Soledad- Character sketch and analysis
Character Sketch
Costume [provided by costume design committee]
Character Analysis
WHO AM I?
Soledad Recio, 61. Balo na. Taga-Marikina. Siyempre may edad na, kaya’t mataba, pandak kada yuko pag nagbebenta. Filipino, edi’ kayumanggi. Nagtitinda ako ng sapatos sa palengke. Independyente, diretso sa punto, praktikal. Tinatawag nila akong masunggit pero bumubuhay ako ng mag-isa para sa mga anak ko sa presinto kaya ganyan ako.
​
WHAT TIME IS IT?
2018. Bali 2 taon na umupo si Digong bilang presidente. Panahon ng EJK, maraming natatakot, nasasaktan, basta magulo ang panahon ngayon. Oras? Pagkatapos ng tanghalian siguro.
​
WHERE AM I?
Nasa Piñas… ngayon ba kamo? Lungsod ng Marikina. Nandito lang ako’t nagbebenta ng mga tsinelas sa bangketa.
​
WHAT SURROUNDS ME?
Paligid? ‘Edi yung palengke, maraming nagbebenta, bumibili nang kung anu-ano, mga ganon. (Patlang) E Kasama mga nagbebenta at bumibili. Kayo, mga estudyante, nagtatanong sakin.
​
WHAT ARE THE GIVEN CIRCUMSTANCES?
E di, EJK. Pinatay yung bunso ko nung September…2016 ata? September 5. 2016. Ngayon, bumubuhay ng tahimik, kumakayod para sa mga 2 kong anak sa presinto. Alam ninyo naman patuloy lang ang buhay. Walang, magawa kaya’t sina-Diyos ko na lang sama ng loob.
​
WHAT ARE MY RELATIONSHIPS?
Yung mga anak ko, si Toneng, lahat sila. Anak ko sila, ‘de sila ang kabuhayan ko. Naalala ko nga si Toneng, paporito niya ang adobo. Parati niyang pinapalala niya ‘sakin na gumawa ako para sa mga kapatid niya pag bumibisita. Multuhin pa ako niyan kung de ko gawin. Ano pa nga ba, ‘de droga? Sana nga de yan naimbento at nandito pa ang mga anak ko. Yung mga pulis na yun, pinapatay lang sila porket may nilalaman sila sa droga. At yung mga reporter na ‘yan. Susmeryosep! Puro sila tanong ng tanong, pagod na ako sa kanila.
​
WHAT DO I WANT?
Ano’ng gusto ko? Di ko na alam. ‘Edi Hustisya para sa anak ko, oo naimplusya siya ng masama. Ng droga. Porket gumamit kailangan patayin sya agad? De pa pwedeng itambak sa presinto kasama ang mga kapatid niya? De sana makita ko sila kada linggo man lamang. Pero de na ako umaasa na dyan. Lahat sila pumupunta ‘sakin na puro mag patanong ngunit hanggang dyan lang. Pagkatapos wala na.
​
WHAT IS IN MY WAY?
Yun sinasabi nilang na wala raw ebidensiya. Nakita lang daw ’yong bangkay niya sa kabilang barangay. Wala akong magawa. Dahil sa mga pulis nay un na wala pakialam sa mga tao kagaya ni Toneng. O yung EJK na ‘yan.
​
WHAT DO I DO TO GET WHAT I WANT?
Wala. Kanino naman ako pupunta? Sino kakasuhan ko? Bumubuhay na ang ako para sa mga 2 ko pang anak. Sinasa-Diyos ang sama ng loob. Kase, tutal, walang maitutulong ang sama ng loob nito.