Philip - Character sketch and analysis
Character Sketch
![283677079_2832589913715866_4097152423503889867_n.png](https://static.wixstatic.com/media/ca1cc9_e1b6c74e47dc4c4c955b46ff891d809e~mv2.png/v1/fill/w_706,h_706,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/283677079_2832589913715866_4097152423503889867_n.png)
Character Analysis
Who am I?
Ako si Philip. Trese anyos ngunit nasa pang-apat na baitang pa lamang. Hindi kaya ng nanay ko na tustusan ang aking pag-aaral dahil tingi tingi lamang ang kanyang sweldo sa pagtitinda. Ang aking tatay ay nakulong sa Manila City Jail dahil sa pagnanakaw sa pawnshop at ito ay nag resulta ng lalong pagkahirap namin sa buhay. Ako ay responsable at maalaga na anak, kapatid at apo. Tinutulungan ko si Nanay sa pagbubuhay sa aming pamilya, inaalalayan ko ang aking kapatid sa kanyang mga desisyon sa buhay at ako ay tumutulong sa pagaalaga sa aking lola. Ang aking inaasam ay maging doktor balang araw ngunit imposible ito dahil napakahirap ng aming buhay, ako rin ang nagtataguyod sa pamilya kaya hindi ako makakapagaral ng tuloy-tuloy.
What time is it?
Ang taon ngayon ay 2018. Gabi na rin dahil hindi namin agad napansin at naaninag si Ed na nasa parehong selda rin pala namin. Naririnig namin ang sirena sa labas na naghuhudyat na may nangyayaring hulian ng pulis na laging nagaganap tuwing gabi.
Where am I?
Ako ay nasa Selda 43 dahil ito ang nakapaskil sa may selda namin. Ngunit, ako ay nagdadalawang isip kung nasa selda ba talaga ako dahil kumpara sa selda ni Tatay noon sa Manila City Jail, mas malinis at hindi ito napaka-sikip.
​
What surrounds me?
Sa aking nakikita, ako ay pinalilibutan ng pader na hindi ko matansta ang taas at mga rehas na nakapa-ibabaw saamin. Sa aking paligid, makikita ang ilang gamit katulad na lamang ng kama at cabinet. May nakikita rin akong pulang ilaw na umiilaw paminsan-minsan at naririnig ko rin ang malakas na tunog ng sirena.
​
What are the given circumstances?
Hindi ko maalala nung una kung bakit kami nasa Selda 43 ni Ino ngunit pagkalipas ang ilang oras ay naalala ko ang nangyari bago pa lamang kami magising sa loob nito. Naalala ko ang mga pangyayari dahil ikinwento ni Ino kay Ed ang mga pangyayari. Bigla nalang kami dinakip ng mga lalaking may armas at naalala ni Ino na pulis iyon dahil nakita na niyang rumoronda. Nakatakas si nanay sa may bintana ngunit kami ay naiwan at pinagsisipa. Dinala kami sa malayong lugar at nagmamakaawa ako ngunit tinulak ako sa imburnal at binaril ako dalawang beses. Nagising na lamang ako rito sa Selda 43 kasama ang kapatid kong si Ino at ayon ang huli namin ala-ala.
What are my relationships?
Ako ay responsable at maalagang anak dahil tinutulungan ko si nanay sa pagtustos sa gastusin sa araw-araw, ako rin ang tumatayong ama dahil nakulong si Tatay. Inaalagaan ko rin ang aking kapatid na si Ino at ang aking lola. Kumakayod ako araw araw dahil kailangan ng aking pamilya.
What do I want?
Ang aking inaasam ay makalabas sa Selda 43. Tinatantsa ko paulit ulit kung gaano kataas ang pader ngunit base sa mga kwento ni Kuya Ed, imposible na ang makalaya rito maliban nalang kung matagpuan ang iyong katawan. Ako ay sabik na sabik nang makasama ang aking nanay at para rin gumaan na ang loob ni Ino dahil siya ay takot na takot.
What is in my way?
Naririnig ko ang boses ni Nanay paminsan minsan sa may labas ng Selda ngunit hindi ako makalabas sa kulungan. Gusto naming magpatulong ni Ino kay Kuya Ed para makalaya pero imposible ito.
What do I do to get what I want?
Noong una, sumisigaw ako dahil naririnig ko ang boses ni nanay ngunit hindi niya ako naririnig. Nagtatanong rin ako kay Kuya Ed ng mga impormasyon tungkol sa Selda.