top of page

Stella - Character sketch and analysis

Character Sketch

280102708_370682795124180_7457597107710884421_n.png

Costume [provided by costume design committee]

281534872_5299426723428881_4355184784454887725_n.jpg

Character Analysis

 

WHO AM I?
Estrella Villanueva, madalas akong tawagin sa pangalang Stella. Kasalukuyang ako’y 25 taong gulang. Matagal na kaming magkakilala ng aking katuwang sa buhay na si Nel. Mula sa pagkabata ay siya na ang aking kasama. Maaga akong nabuntis, hayskul kami non. Kaya natigil ako sa pag aaral para alagaan ang aming anak

WHAT TIME IS IT?

I-Ilang buwan pa lamang matapos ang pagkamatay ng aking asawa.

WHERE AM I?

Kasalukuyang akoy nakikitIra sa aking nanay sa Laguna. Dito kami ng aking anak akong si Jaja nagpapatuloy mamuhay at kanyang pinagpapatuloy ang kanyang pag aaral dito sa lungsod.

WHAT SURROUNDS ME?
Malumanay ang lugar kung saan nakatatag ang bahay ng aking nanay. Maganda ang simoy ng hangin, tahimik, maraming mga puno, apaka payapa dito. Dito, para akong binigyan ng pagkakataong mamuhay ng tahimik. Malayo sa ingay ng chismis ng mga kapitbahay at magulong buhay sa siyudad.

WHAT ARE THE GIVEN CIRCUMSTANCES? 

Kamamatay lamang ng aking asawa mula sa tama ng bala. Siya ay napagkamalang adik at hanggang ngayon ay ang hustisyang nararapat ay hindi pa rin naibibigay. Ako ay patuloy na nagluluksa sa bigla niyang pagkawala ngunit hindi pwedeng tumigil sa ganito na lamang ang aming naming magina niya. Kinakailangan kong maging malakas dahil ako na lamang ang natitirang sangay ng pamilyang ito. Kaya namang lahat ng pag kakataong aking makaharap ay aking sinusunggaban. Para lamang magkausad ang hustisya sa aking asawa.
 

WHAT ARE MY RELATIONSHIPS?
Sa aking anak at aking asawa umiikot ang aking mundo. Sa kanila nakatuon ang aking pansin, pag aalaga lalo na ang aking pagmamahal. Ngayong kaming mag-ina nalamang ang natitira, nakituloy ako sa aking nanay sa Laguna. Puno ako ng hiya dahil hindi naman sa gusto kong bigyan ng obligasyon ang aking nanay para alagaan kami, ngunit wala na akong ibang matatakbuhan. Kinakailangan kong ilayo ang aking sarili lalo na ang anak ko sa lugar namin dahil alam kong kapag narinig niya na pinagchichismisan ang kanyang yumaong tatay siya ay malulungkot. Masyado pang bata ang anak ko para mabahiran ng kung anong kababuyang salita.

WHAT DO I WANT?

Gusto ko ng hustisya, apaka buting tao, ama, at asawa ni Nel. Ngunit dahil sa kahayupan nilang mga ayaw umamin na kanilang napagkamalan ang aking asawa ay nabahiran ang kanyang imahe at panagalan. Gusto kong malinis ang kanyang panagalan kahit wala na siya. Sa aking palagay ay iyon din ang gusto niya. Upang ang kanyang kaluluwa’y matahimik na rin. Gusto ko na rin matigil na ang chismis dahil habang lumalaki si Jaja ay kanyang naiintindihan na ang mga salitang nilalabas ng mga chismosang mga pakielamera. 

 

WHAT IS IN MY WAY?

Ang mga opisyales na ayaw umako sa kanilang mga pagkakamali dahil kanilang kahihiyan iyon. Kanilang isinarado na lamang ang kaso. Sila hiyang-hiya sa walanghiyang kagagawan nila. Pano naman ang pamilya ko? Sila nakalusot tapos kami ng anak ko ang magdudusa sa pangungutya ng masa?
 

WHAT DO I DO TO GET WHAT  I WANT?

Gagawin ko ang lahat para lamang malinis ang panagaln ng minamahal kong asawa. Kahit magkandahirap ako at maubos ang aking pasensya, ipaglalaban ko siya at si Jaja. Kaya nga pati itong interview papatusin ko na. Para man lang makita ng iba kung gaano ka dumi ang sistema ng hustisya dito sa bansa. Para magkaroon kami ng tulong at lakas para mapakitang kinakailangan na ng bansang ito baguhin ang sistemang nakalakihan. Desperada na kung desperada tinggan pero ayoko mamuhay si Jaja sa mundo ng pandaraya at mapanghusga.

© 2022 ADYA Productions. Created with Wix.com

bottom of page