Philip - Character sketch and analysis
Character Sketch

Character Analysis
WHO AM I?
Ako si Eduardo Dalisay, ngunit madalas akong tinatawag na ED. Ako ay 20 anyos at isa akong Katoliko na nag-aaral ng Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Ako rin ay isang aktibista, ngunit marami pa rin ang bumabatikos sa amin at tinatawag kami na mga komunista. Pero bilang aktibista, ako ay isa sa mga tao na nakikipag rally upang ipaglaban ang ang karapatang pantao at maging boses ng mga naaapi.Katamtaman lang ang haba ng aking buhok, may matikas na katawan, at may pagka-seryoso ang aking mukha. Mahilig akong magbasa, kumanta, at magpatugtog ng gitara. Ayoko naman sa mga taong mapagpanggap at hindi marunong tumanaw ng utang na loob.
WHAT TIME IS IT?
Ang taon ngayon ay 2018. Mahiit 30 taon na rin simula noong nagtapos ang Martial law, ngunit hanggang sa kasalukuyang panahon ay marami pa ring mga inosenteng tao at kabataan ang nakakaranas ng paghihirap at marami pa rin ang namamatay sa kamay ng gobyerno at lider na meron ang ating bansa ngayon.
WHERE AM I?
Ako ay nasa Pilipinas kung saan ako ay ipinanganak. Pagkatapos ng lahat ng nangyare sa akin, ako ay napadpad sa isang maliit at malamlam na selda kung saan ako ay nakatayo sa isang sulok lamang. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito, pero pagkagising ko na lamang ay nandito nas agad ako sa loob ng selda.
WHAT SURROUNDS ME?
Dito sa seldang aking tinutuluyan, meron itong kama, kabinet, salamin, at pinto. Sa itaas na bahagi naman ng selda ay may matatagpuan na rehas. Kapag may papasok na panibagong tao sa selda, palaging umiingay ang sirena sa paligid at may biglang lalabas na pulang ilaw. Matatapos lang ang ingay kapag nakapasok na ang taong iyon sa kaniyang selda. Mag-isa lang ako parati sa selda at walang nakakausap.
WHAT ARE THE GIVEN CIRCUMSTANCES?
Bago ako mapadpad sa selda 43, ako ay isang aktibista kung saan palagi akong sumasali sa mga rally. Hindi sangayon ang aking mga magulang dito kaya naman kapag ako ay magpapaalam, sinasabi ko na lang palagi na kasama kong mag-aral ang kaibigan kong si Andy. Si Andy na palagi akong sinasamahan, sinusuportahan, at tinutulungan sa bawat rally na inoorganisa at pinupuntahan ko. May mga oras na palagi kaming muntikan nang mahuli ng mga militar. Ngunit dumating ang araw kung saan ako ay dinakip at binugbog ng mga militar sa isang bahay. Dito ko nalaman na isa pala si Andy sa mga dumakip sa akin. Pagkatapos noon, bigla akong napunta sa seldang ito kung saan wala akong makausap na mga tao. Hinintay ko ang panahon kung saan matatagpuan ng pamilya ko ang aking katawan para ako ay makalabas na, ngunit napakatagal ko nang naninirahan sa seldang ito at wala pa rin ang nakakahanap sa aking katawan. Maghihintay pa rin ako, ngunit alam ko na darating ang oras na makakaya ko nang tanggapin ang aking kapalaran kung saan habang buhay na ako mananatili sa seldang ito at hindi na muling mahahanap pa ang aking katawan.
WHAT ARE MY RELATIONSHIPS?
Dahil matagal na akong nandito sa selda 43, itinuturing ko na rin ito bilang isang tahanan. Isang tahanan ng mga hindi nabigyan ng hustisya. Isang tahanan ng mga naapi. Araw-araw kong iniisip ang pagmamahal na binibiay sa akin ng aking mga kaibigan at pamilya. Dito ko rin mas nabigyan ng pansin ang kawalang hiyaan na ginawa sa akin ng ating gobyerno. Simula rin nang dumating sina Ino at Philip, itinuring ko na rin silang parang mga kapatid at sa tagal ko nang walang kausap sa selda na ito, natutuwa ako na may mga makakasama uli ako rito upang maibsan ang kalungkutan at sakit na aking nararamdaman.
WHAT DO I WANT?
Ang ninanais ko ay ang makalabas na sa seldang ito upang maipaglaban at mabigyan ng hustisya ang aking pagkamatay.
WHAT IS IN MY WAY
Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mahanap-hanap ang aking katawan kaya nandito pa rin ako sa selda 43.
​
WHAT DO I DO TO GET WHAT I WANT?
Kailangan kong maghintay at hintayin ang panahon kung saan may makakatagpo na sa aking katawan.